Martes, Hunyo 20, 2017

Turismo sa Pilipinas

It's more fun in the Philippines.

Tunay nga na madaming mga banyaga ang dumarayo sa ating bansa dahil sa taglay nitong mga bagay na nagiging dahilan upang mahikayat ang mga banyaga na pumunta sa ating mahal na bansa.

Madaming mga aspeto ang kaugnay sa pagiging kahindik-hindik ng ating bansa. Isa na dito ang magagandang tanawin na makikita sa Pilipinas.

Chocolate Hills

Malaking bagay ang pwedeng maiambag ng maunlad na turismo sa ating bansa.

Isa na dito ang dahilang dahil sa mga dayuhang bisita ay nagkakaroon ng tiyansa na ma-feature ang ating bansa sa mga programa sa ibang bansa gaya ng Discovery Channel at nakakapag bigay ito ng malawakang pagkalantad ng ating bansa.

Sa tulong nito, nagiging masigasig at popular ang ating bansa.



Ngunit, Kung ating sasaliksikin makikita natin na napag-iiwanan pala ang ating bansa.

Kung nakikita nyo, Di hamak na mas marami pa palang dumarayo sa Singapore, Thailand, Vietnam, Malaysia at Indonesia. Ibig bang sabihin nito ay natatalo na ang ating bansa ?

Wala akong ideya yung ano ang dahilan. Dahil ba maraming kaguluhan sa ating bansa ? O kaya naman ay sadyang mas maganda at maayos lang ang ibang bansa kaysa sa  ating bansa.


May magagawa kaya tayo upang dumugin at mas lalong naisin ng mga dayuhan ang ating bansa ? Narito ang ilang mga naiisip kong paraan upang mapaunlad ang Turismo ng ating bansa.


1. Kalinisan



Panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran upang mas lalong mahikayat ang mga dayuhan sa ating bansa.


2. Hospitality



Pagpapakita ng pagiging palakaibigan, pakikisama, magandang pakikitungo at kahandaang tumulong sa mga dayuhang bisita na naliligaw o nalilito sa ating bansa. Isa itong paraan upang maramdaman nila ang pagmamahal at pagiging welcome nila sa ating bansa.


3. Mga Paliparan

Image result for Airport

Maayos na serbisyo at seguridad sa mga Paliparan. Mas lalong maeenganyo ang mga dayuhan sa ating bansa kung sa unang pag tungtong pa lamang nila dito ay maayos na serbisyo at tiyak na seguridad na agad ang kanilang madadatnan.


4. Masasarap na Pagkaing Pinoy

Image result for Filipino foods


Isa sa mga dinarayo ng mga dayuhan sa ating bansa ay ang ating mga sarili at masasarap na pagkain na tiyak ay babalik-balikan at hahanap-hanapin nila.


5. Pag popost sa Social Media

Image result for Social media

Sa pamamagitan nito. Mas lalong makikilala at madidiskubre ang ating bansa at ang magagandang katangian nito na magiging dahilan upang mahikayat ang mga dayuhan na pumunta at bumisita sa ating bansa.


Napakalaking bagay ng pagkakaroon ng maunlad na Turismo sa ating bansa, Kaya tulong-tulong tayo upang mapaunlad ito.







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento